Saturday, 18 June 2016

A Perfect Father

Dearest God,

You have been a perfect and faithful father to me all through my life. The birth of this blog is for you, to praise your name and to worship you. Thank you for everything you have given me, even though I don't deserve any of it still you love me as I am and treated me just like your beloved son Jesus. As father's day tribute let me tell  you how grateful I am for being chosen by you. I'll let my heart speak through this post.

I can thank you for the rest of this life but that won't be enough, kaya naman ginagawa ko ang makakaya ko para sundin lahat ng utos mo. Sa pagsunod ko lang mapapakita sayo at mapaparamdam sa'yo ang pagmamahal ko, hindi ko pa man nagagawa lahat pero araw-araw sinisigurado ko na lumalago ako sa piling mo. Kahit kailan hindi ko matutumbasan o mapapantayan man lang ang pagmamahal mo sa akin pero susubukan ko na makauwi sa langit para magkasama na tayo forever tulad ng gusto mong mangyari.

Noon, akala ko sa pelikula at teleserye lang nangyayari yung mga ganitong matitinding rebelasyon, dahil kinalakihan ko ang panunuod ng mga teleserye hindi na bago sa akin ang mga twist and turns ng mga kwento minsan nga alam ko na yung susunod na scene, habang commercial pinagtatalunan na namin ng mga pinsan ko. Kaya pala natutulala yung bida sa katotohanan na nalaman niya at minsan matagal na panahon pa bago niya matanggap kasi hindi pala talaga madali. Hindi madaling tanggapin na nabubuhay ka pala sa kasinungalingan, na lahat ng alam mo hindi pala yun ang totoo.

Truth hurts and I felt it when I finally learned the truth behind my true identity, akala ko hindi ko kaya pero nung sinabi mo na you will never leave me nor forsake me the pain seems to disappear faster  than the normal. You've been my comfort and strength, at sa sobrang lakas mo naka-recover ako agad at ngayon heto na ako nabubuhay ayon sa kalooban mo. Together, we will walk on water holding hands pa-sway sway pa. ;) Napakabuting mong Ama, sa'yo lang nararapat ang lahat ng pasasalamat, papuri at pagsamba.

Sometimes I still can't believe that I am a daughter of a most high God, the King of kings, and that I am your beloved princess but soon I'll be used to it. I love you Dad.  <3 Your Princess

No comments:

Post a Comment