Thank you for everything even the trials I am facing right now. Hindi ko maikakaila na nahihirapan po ako dahil wala akong maitatago sa'yo. Umiyak na nga ako kanina para mabawasan yung pressure na nararamdaman ko, pero hindi ibig sabihin na sumusuko na ako. Gusto ko na makita mo na seryoso ako sa pagmamahal ko sa'yo kaya malalampasan ko rin ang season na'to. Alam ko naman na hindi mo ako pababayaan at iiwan, lagi mo akong sasamahan at tutulungan kung kinakailangan. Maraming salamat sa comfort na binibigay mo sa akin ngayong gabi Panginoon. Sa pagpapaalala na mas magaan ang krus na dala ko kumpara sa dinala ni Hesus para sa pagtubos ng kasalanan ko. I feel better now. Nasa lubak at pangit na daan man ako ngayon, nagpapasalamat ako dahil kasama kita at hindi ako mag-isa. I love you always. :) <3 Your Princess
No comments:
Post a Comment