Wednesday, 24 August 2016

The Suprise Gift

Dearest God,

Your perfect love cast out all fears and tonight You have just released me out of every fear I have. Thank you for Your unfailing ang never ending love. I want to say sorry because it took so much time for me to be able to realize that You love me. Patawa po kung ngayon lang nag sink-in sa akin na ang pagmamahal mo ang susi na magpapalaya sa akin sa kulungan ng takot na kinalalagyan ko. Tinatanong ko rin nga ang sarili ko kung bakit ngayon lang? Baka nga siguro may mga doubts pa rin akong natitira at nahahadlangan nito ang mga mensaheng gusto mong iparating sa akin. I need You and Your help Lord.

Maraming salamat po sa surprise gift mo sa akin, sobrang nagustuhan ko talaga! May desire talaga sa puso ko na makatanggap ng anointing Lord at ngayon nasa akin na'to but it is not mine to own it but it has been given to me to give and share it to the world. Kung papaganahin ko ang imagination ko parang nakatanggap ako ng isang super powers, sinalin na sa akin ang pagmamay-ari at sa takdang panahon isasalin ko rin sa susunod na henerasyon. Wow, parang encantadia lang po Lord? Amazing ka talaga! 

Simula ngayong gabi iisipin ko na, na may brilyante akong kulay green na lumalabas sa palad ko everytime na nagle-lay hands ako o nananalangin. Iilaw yung brilyante habang nagdadasal ako at naglalabas siya ng powers na galing sa'yo. Maraming salamat po talaga Lord, pati po sa imagination meron ako at sa creativity na taglay ko. Hayaan mo po na ma-glorify kita sa pag gamit ng mga gifts ko even yung mga buried treasures within me na naghihintay lang ma-discover. One of these days po magte-treasure hunting ako! Haha.

Lord God, tonight I pray na tulungan mo po akong paganahin ang anointing na natanggap ko ngayong gabi at bigyan mo po ako ng wisdom kung paano gamitin ang powers na'to na nanggagaling sa'yo. I want to glorify Your name Lord, teach me how to do it just the way you want it. Help me Lord. All this I pray in Jesus' name. Amen. Thank you Daddy. I love you. ~Your Princess <3